Nagpahayag ng pagkabahala ang Malakanyang sa napa-ulat na missile deployment ng China sa pinagtatalunang bahagi ng West Philippine Sea.
Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na kumpiyansa sila na hindi nakatutok ang mga nasabing missile sa Pilipinas dahil sa pinalakas na relasyon at mas malapit na pagkakaibigan ng Pilipinas sa China.
Ayon kay Roque, handa aniya ang Pilipinas na pag-aralan ang lahat ng diplomatikong paraan para resolbahin ang nasabing isyu.
Base sa report ng CNBC , nagpakawala kamakailan ng China ng mga anti-ship at surface to air missile sa Zamora reef at dalawa pang reef na inaangkin ng Pilipinas.
READ NEXT
Sukat at pinagkakabitan ng campaign posters karaniwang paglabag sa kampaniya sa barangay at SK elections
MOST READ
LATEST STORIES