Sukat at pinagkakabitan ng campaign posters karaniwang paglabag sa kampaniya sa barangay at SK elections

Inquirer File Photo

Sa unang araw ng pangangampaniya para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections muling nagpaalala ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga kandidato sa kanilang mga limitasyon.

Sinabi ni Dir. James Jimenez, ang tagapagsalita ng Comelec, sa kanyang personal na obserbasyon ang pangkaraniwang paglabag ay ang maling sukat ng campaign posters at may mga campaign material na inilagay kung saan saan lang.

Sinabi pa nito na sa mga lalawigan ay may mga bumili pa ng airtime sa mga istasyon ng radyo para sa kanilang pangangampaniya.

Paalala ni Jimenez ang bayad sa airtime ay kasama na sa campaign expenditures at giit niya ang bawat kandidato ay may hanggang P5 lang na budget sa bawat rehistradong botante sa kanilang barangay.

Aniya ang overspending o sobrang paggastos ay maaring maging ugat ng disqualification.

Nabanggit nito na hanggang kaninang tanghali ay may anim ng reklamo na nakarating sa kanya ukol sa pangangampaniya.

Read more...