Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na sa kabila ng artikulo ng Times, marami sa mga Pilipino ang gusto ang malakas na liderato ng pangulo at patunay dito ang mataas na satisfaction, approval, trust at performance rating nito.
Alam na aniya ng mga Pilipino na huwag gawing literal ang mga makukukay na pahayag ng pangulo at seryosohin lamang ang mga usaping isinusulong nito tulad ng isyu ng giyera laban sa droga at krimen.
Kinikilala din ang war on drugs ng administrasyon ng ibang bansa at mga lider tulad ng China, Indonesia, US at mga opisyal ng kapulisan mula sa mga bansa sa Southeast Asia.
Iginiit pa ni Roque na ang hustisyang ipinatutupad ni Pangulong Duterte ay naaayon sa rule of law.