Sinabi ito ni Special Assistant to the President Bong Go sa paglulunsad ng Presidential Communication Operations Office sa Mindanao media hub sa Davao City.
Ayon kay Go, mabibigyan na ng pagkakataon ang mga Mindanaoan na makakuha ng impormasyon at coverage na nararapat dito dahil sa sa kauna-unahang pagkakataon nasa ilalim ng isang grupo ang istasyon ng radyo, telebisyon, print wire at online service.
Pwede rin aniyang gamitin ng mga Mindanaon ang nasabing media hub para ipaalam sa gobyerno ang kanilang kailangang tulong at gawing sumbungan laban sa mga tiwaling opisyal ng bayan.
Ang nasabing proyekto na nagkakahalaga ng 400 milyong piso ay inaasahang makukumpleto sa susunod na taon at magiging operational sa 2nd o 3rd quarter ng 2019, ayon kay PCOO Secretary Martin Andanar.