Pulis na naka-deploy sa Nueva Ecija at Bulacan, dinagdagan para magbigay seguridad sa halalan

Credit: pro3.pnp.gov.ph

Pinatututukan ngayon ni Region 3 Provincial Director Amador Corpus ang Bulacan at Nueva Ecija ngayong panahon ng kampanya.

Ito’y kasunod na rin ng mga nakalipas na insidente sa parehong probinsya na naitala ngayong election period.

Ayon kay Corpus, 8,000 pulis ang kanilang ipakakalat sa Region 3.

1,400 dito ay ide-deploy sa Nueva Ecija habang 1,200 naman ang itatalaga sa Bulacan.

Paliwanag ng opisyal, katuwang nila ang AFP sa paglalatag ng segurirad sa rehiyon kung kaya’t makakasiguro ang publiko na bantay sarado ng mga otoridad ang mga baranggay watchlist.

Nitong May 1 lang, 4 ang patay kabilang na ang 1 pulis matapos tambangan sa Brgy. Tampak Uno, Nueva Ecija.

Habang noong April 27 at 24 naman ay may dati at outgoing Baranggay Chairman sa San Rafael, Bulacan ang pinatay.

Read more...