5 sundalo, sugatan sa engkwentro sa mga NPA sa Cagayan

Limang sundalo ang nasugatan matapos maka-engkwentro ang nasa 30 miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa Sto. Niño, Cagayan kahapon Huwebes (May 3) .

Ayon kay Col. Isagani Nato, Spokesperson ng Northern Luzon Command, nagsasagawa ng Security patrol sa Sitio Mureg, Brgy. Balani ng naturang bayan ang mga tropa ng 17th Infantry Battalion (17IB) sa ilalim ng Joint Task Force (JTF) “Tala” ng 5th Infantry Division nang maka-engkwentro ang grupo ng NPA.

Isa umanong alyas “ka bladdy” ang leader ng teroristang grupo.

Tumagal ng 20 minuto ang unang palitan ng putok, na nagsimula ng bandang alas-10:30 ng umaga.

Matapos nito ay nagkaroon muli ng ikalawang palitan ng putok na tumagal naman ng 10 minuto.

Bukod sa 5 sundalong nasugatan sa insidente, nagtamo rin ng hindi madeterminang bilang ng sugatan ang mga kalaban.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang persuit operations sa mga nakatakas na terorista.

Read more...