Ito ang pahayag ni PNP Chief Oscar Albayalde kasunod ng pagkakasibak sa pwesto ng buong Drug Enforcement Unit ng Quezon City Police District Station 11 kasama ang kanilang hepe na si Chief Supt. Igmedio Bernaldez.
Ayon kay Albayalde, uubusin nila ang mga pasaway at hindi nila ito palulusutin na mamayagpag sa kanilang hanay.
Nilinaw naman ni Albayalde na hindi nangangahulugan na may kinalaman si Bernaldez sa ‘extortion case’ na kinakaharap ng kanyang mga tauhan kaya ito sinibak.
Kaya lang umano ito tinanggal ay para magbigay daan sa patas na imbestigasyon at matiyak na walang whitewash.
Kung mapapatunayan naman anya na walang kasalanan ay bibigyan pa ulit sya ng paglakataon na magkaroon muli ng pwesto at may posibilidad pa na ma-promote.
Nahaharap ngayon sa kontrobersiya ang Station 11 ng QCPD dahil sa reklamo ng panghihingi ng P200,000 ng 9 na police officers kapalit ng pag abswelto sa suspek na nahulihan nila ng iligal na armas.