MIAA iimbestigahan na rin ang pangongotong ng 2 airport police

Sinabi ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal na magsagawa sila ng sariling imbestigasyon sa pagkakahuli ng dalawa nilang tauhan dahil sa alegasyon ng pangongotong.

Ani Monreal inatasan niya si MIAA Assistant General Manager for Security Arnulfo Junio na pangunahan ang isang ‘parallel investigation’ sa pagkakahuli kina Airport Police Officers Danilo Lecite Jr., at Pablo Atayde.

Hinuli ang dalawa ng mga tauhan ng PNP – Counter Intelligence Task Force dahil sa pangongotong.

Ayon pa kay Monreal hinihintay lang niya ang kopya ng post operation report ng PNP ukol sa pangyayari.

Samantala, binanggit din ng opisyal na ang pangyayari ay pagpapakita na kumikilos ang mga ahensiya ng gobyerno para mahuli ang mga tiwaling kawani.

Read more...