Paalala ni CSC Chairperson Alicia Bala na may mandato ang mga taga-gobyerno na manatiling ‘politically-neutral’ sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin lalo na tuwing may papalapit na eleksyon sa bansa.
Dagdag pa nito na may inilabas silang abiso ukol sa electioneering at partisan political activity noong Marso 2016, na dapat ay hindi nila hayaan na mabahiran ng politika ang kanilang pagbibigay serbisyo sa publiko.
Ipinagbabawal din sa kanila ang hayagang pagsuporta sa isang kandidato sa pamamagitan ng pagsama sa kampaniya, pagbibigay ng pahayag ng pagsuporta at pangungumbinsi sa mga botante na iboto ang sinusuportahan nilang kandidato.
Hindi rin sila maaring magsilbing poll watcher ng anuman partido o sinoman kandidato, maging ang pagsusuot ng campaign materials, tumanggap ng donasyon sa pangangampaniya at gumamit ng ari-arian ng gobyerno pabor sa kandidato o partido.
Ang mga lalabag ay maaring maparusahan ng isang buwan na suspensyon hanggang sa pagkakasibak sa serbisyo.