Seguridad at kaayusan sa isasagawang World Wide Walk ng INC, handa na

Kasado na ang seguridad para sa isasagawang pandaigdigang paglalakad ng Iglesia Ni Cristo na gaganapin sa Quirino Grandstand sa Linggo, Mayo 6.

Ayon kay MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo, sisimulan ang paglalakad sa Pasay City patungo sa Rizal Park alas-4 ng madaling-araw.

Layon ng World Wide Walk ng INC na labanan ang kahirapan at iangat ang kabuhayan ng sambayanang Filipino sa pamamagitan ng pananalangin at pagkakaisa.

Kaugnay nito, tatlong libong pulis (3,000) ang ipakakalat ng Manila Police District upang pangalagaan ang mga kalahok na mananampalataya mula sa kanilang pagpasok sa hurisdiksiyon ng Manila police hanggang sa bisinidad Quirino Grandstand.

Ilang lansangan din ang isasara kabilang na rito angeast at westbound lane ng P. Burgos mula sa Roxas Boulevard hanggang sa Lagusnilad; Ang magkabilang lane ng Finance Road mula sa Taft Avenue patungo sa P. Burgos; Ang east at westbound lane ng TM Kalaw mula sa Taft Avenue hanggang sa Roxas Boulevard; Ang westbound lane ng President Quirino, mula sat aft Avenue hanggang sa Roxas Boulevard; Ang north at southbound lane ng Bonifacio Drive ng Bonifacio Drive mula sa Anda Circle patungo sa P. At ang north at south bound lane ng Roxas Boulevard mula sa P. Burgos hanggang sa P. Ocampo.

Magpapalabas din ng rerouting ang Manila police kaugnay sa mga alternatibong ruta na maaaring daanan ng mga apektadong sasakyan.

Read more...