Lalaking umano’y may ugnayan sa Parojinog group, patay sa buy-bust operation

Patay ang isang tulak ng droga na pinaniniwalaang may ugnayan sa Parojinog group sa buy-bust operation sa Ozamiz City.

Kinilala ang suspek na si Reynan Pinuti.

Ayon sa pulisya, tumakas at pinaputok ni Pinuti ang kanyang baril matapos matunugan na pulis ang kanyang katransaksyon.

Gumanti naman ng putok ang pulis na ikinasawi ni Pinuti.

Narekober sa suspek ang 11 pakete ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia at baril.

Ayon sa pulisya, wanted ang kapatid ni Pinuti dahil sa ugnayan umano sa Parojinog group na sangkot umano sa kalakaran ng iligal na droga.

 

Read more...