Sinabi ni Castelo na mahirap ayusin ang problema ng mga OFW sa Kuwait kung mismong ang mga hakbang na ginagawa ng gobyerno para tulungan ang mga OFWs ay papasukan ng intriga.
Naka-monitor aniya ang Kuwaiti government sa bansa para timbangin ang pakikipagkasundo muli sa Pilipinas.
Paliwanag nito, kung mismong ang mga nasa gobyerno ay hindi magkasundo tiyak na malalagay lamang sa disadvantage position at makakaapekto ito sa negosasyon ng Kuwait at Pilipinas.
Mahalaga anya na maipakita sa Kuwait ang pagkakaisa ng bansa para sa pagbibigay proteksyon sa mga OFW at hindi ang pagkakawatak-watak.
Ang pahayag ay ginawa ng mambabatas kasunod ng panawagan ng mga career service officials ng DFA na magbitiw si Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano matapos ang resulta ng rescue operation sa Kuwait na nakasira sa relasyon ngayon ng Kuwait at Pilipinas.