Nanawagan ang Philippine Foundation for Vaccination na itigil na ang pagkakalat ng mga mali at malisyosong impormasyon ukol sa Dengvaxia.
Sa isang multi stakeholder forum, ibinahagi ni Dr. Charles Yu, naging pangulo ng Philippine College of Physicians, na ang nag-iisa niyang anak ay nabakunahan din ng Dengvaxia.
Iginiit nito na ang mga maling impormasyon ay nagdudulot lang ng walang basehang pangamba at takot sa mga magulang na ang mga anak ay naturukan ng anti dengue vaccine.
Giit ni Yu, ang dapat ay pakinggan lang ang mga pahayag ng mga eksperto tulad ng Strategic Advisory Group of Experts on Immunization na nag ulat na sa World Health Organization.
Binanggit sa ulat na inilabas noong nakaraang buwan ang patunay ng public health value ng Dengvaxia at ang bakuna ay maaring ibigay kahit walang pre-vaccination screening.
Samantala, nilinaw din ng infectious disease expert na si Dr. Edsel Salvana na sinabi na rin ng WHO na ligtas at epektibo ang Dengvaxia sa mga nagsakit na ng dengue maging sa mga hindi pa tinamaan ng naturang sakit na dulot ng kagat ng lamok.