Maagang nagdaos ng prusisyon sa Maynila para sa ika-400 anibersaryo ng pagdating ng sa bansa ng imahen ng Our Lady of Mount Carmel.
Alas 5:00 ng umaga isinakay sa BRP Capones ng Philippine Coast Guard ang imahen at saka isinagawa ang fluvial procession.
Sa kasagsagan ng prusisyon sa Manila Bay, nagbuga ng water cannon ang barko ng coast guard.
Matapos ang prusisyon ibinalik sa coast guard headquarters ang imahe at saka idineretso sa Quirino Grandstand ang imahe para sa misa sa na pinangunahan ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Archbishop Romulo Valles.
Nagpatupad ng traffic rerouting sa ilang lansangan sa Maynila bunsod ng nasabing aktibidad.
MOST READ
LATEST STORIES