Ayon sa Phivolcs, unang niyanig ng magnitude 3 na lindol ang bayan ng Caramoan sa Camarines Sur alas 5:23 ng umaga.
Ang epicenter ng lindol ay naitala sa 10 kilometers NOrth ng Caramoan.
Tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 15 kilometers.
Samantala, alas 5:35 naman ng umaga, niyanig ng magnitude 3 din na lindol ang Kitcharao, Agusan Del Norte.
Naitala naman ang epicenter ng lindol sa 2 kilometer South ng Kitcharao.
Ayon sa Phivolcs, hindi inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks ang dalawang lindol.
MOST READ
LATEST STORIES