3 bahay nasunog sa QC

Nasunog ang bahagi ng isang residential area sa Barangay Quirino sa Quezon City.

Ayon sa Quezon City Fire Department, alas 8:11 ng gabi nang itaas sa ikatlong alarma ang sunog sa Bignay Street. Quirino 2-A.

Tatlong bahay ang naabo sa nasabing sunog.

Inaalam pa ng mga otoridad kung ano ang pinagmulan ng apoy at kung magkano ang halaga ng natupok na mga ari-arian.

Aabot naman sa anim na pamilya ang nawalan ng tirahan dahil sa insidente.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...