Sa ulat mula sa 4th Special Forces Battalion ng Philippine Army, sa nasabing pagsalakay, naka-engkwentro ng mga tauhan ng 3rd Scout Ranger Battalion ang mga bandido na pawang tagasunod ni Furuji Indama.
Nagpadala pa ng air support ang 3rd Tactical Operations Wing ng Philippine Air Force sa mga sundalo at umalalay ang F/A 50 jets, habang tumulong din at nagsagawa ng mortar fire ang mga tauhan ng 8th Field Artillery Battalion.
Dahil sa nasabing pag-atake nasawi ang siyam na bandido at nasabat ang dalawang mataas na kalibre ng baril, M-203 grenade launcher, medical supplies, at mga sangkap sa paggawa ng bomba.
Ayon kay Brig. Gen. Juvy Max Uy, commander ng Joint Task Force Basilan, ang mga dating miyembro ng ASG na sumuko sa gobyerno ang tumulong para matukoy ng militar ang kinaroroonan ng mga tagasunod ni Indama.