Campaign period para sa Baranggay at SK elections, nagsimula na

Simula na ngayong araw, May 4 ang siyam na araw na campaign period para sa May 14 Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Dahil dito, maaari nang mangampanya ang mga kakandidato hanggang sa susunod na Sabado, May 12.

Itinakda ng Commission on Elections (Comelec) sa kanilang Resolution no. 10246 ang campaign period mula May 4 hanggang May 12.

Gayunman, may paalala ang Comelec sa mga kandidato partikular sa tinatawag na common poster area.

Sa kanyang blogpost iginiit ni Comelec spokesman James Jimenez na iligal ang pagdidikit at pagdidisplay ng election materials sa tatlong lugar.

Tinukoy ni Jimenez ang mga sumusunod:

– labas ng awtorisadong common poster area
– Pampublikong mga lugar
– at pribadong mga ari-arian ng walang pahintuloy ng may-ari

Nagpaalala rin ang Comelec sa mga election materials na gagamitin at hinimok ang mga kandidato na gumamit ng mga ‘recyclable’ at mga ‘environmental friendly’ na mga materyales.

Read more...