Comelec sa mga kandidato: Huwag dumihan ang inyong mga baranggay

INQUIRER File Photo

May mensahe ang Commission on Elections (Comelec) para sa mga kandidato para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) sa pagsisimula ng campaign period ngayong araw.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Comelec Spokesperson James Jimenez, nakiusap ito sa mga kandidato na huwag dumihan ang mga baranggay ngayong umpisa na ng panahon ng kampanya.

Nagpaalala rin si Jimenez sa limang piso kada botanteng limit para sa campaign spending.

Ayon sa opisyal hindi dapat ‘spend all you can’ ang mangyari sa panahon ng kampanya.

Samantala, iaanunsyo naman ng Comelec sa darating ng Lunes ang kahandaan nito para isagawa ang eleksyon.

Magaganap ang baranggay at SK polls sa May 14 na idineklara ng special non-working day ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Read more...