CBCP, nag-isyu ng panalangin para sa Barangay at SK elections

Naglabas ng panalangin ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) para sa magaganap na May 14 Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Hinihimok ng CBCP ang mga parokya sa buong bansa na dasalin ito pagkatapos ng post-communion prayer sa lahat ng misa mula May 6 hanggang May 13 o isang araw bago ang eleksyon.

Sa naturang dasal ay ipinapangalangin sa Diyos na bigyan ang bawat mamamayan ng kaliwanagan ng puso at isip upang makapamili ng tamang mga lider pam-baranggay.

Ang mga kandidatong dapat mapili ay inaasahang makapagtataguyod sa ‘katotohanan, katarungan at pagtataas sa dignidad ng mga tao’.

Ang dasal ay mababasa sa tatlong wika: Ingles, Tagalog at Cebuano.

Read more...