22 naghain ng kandidatura sa pagka-pangulo sa Comelec

 

Umabot sa 22 ang bilang ng mga naghain ng certificate of candidacy sa hangaring maging susunod na Presidente ng bansa sa unang araw ng filing ng COC sa Commission on Elections sa Intramuros, Maynila kahapon.

Ilan sa mga pamilyar na personalidad na maagang nagtungo sa Comelec main office ay si dating TESDA Director August Syjuco Jr., at ang tinaguriang ‘Spike Boy’ na si Atty. Elly Pamatong.

Naghain din ng COC si Rizalito David , ang talunang senatorial candidate na kumukuwestyon sa citizenship ni senador Grace Poe.

Si David ay naghain ng kanyang certificate upang makatakbo bilang Presidente ng bansa sa susunod na taon.

Dakong alas- 8:00 ng umaga, dumating naman sa tanggapan ng Comelec sina Vice President Jejomar Binay at ang kanyang running mate na si Senador Gringo Honasan.

Bukod sa 22 kandidato sa pagka-pangulo, may 3 ring naghain ng coc sa Vice President, at 16 sa senatorial race.

Read more...