Presyo ng langis, tataas

 

Inquirer file photo

Magpapatupad ng price hike ang ilang kumpanya ng langis para sa kanilang mga produktong petrolyo ngayong araw simula mamayang 6:00 ng umaga.

Magtataas ng 10 sentimos kada litro sa presyo ng gasolina, 65 sentimos sa diesel at sa 70 centimos naman sa kada litro ng kerosine ang Petron.

10 sentimos kada litro ng gasolina at 65 sentimos sa diesel ang itataas ng Phoenix Petroleum Philippines.

70 sentimos sa kada litro ng kerosene at 65 sentimos sa kada litro ng diesel ang itataas ng Shell at SEAOIL.

Samantala, diesel lang ang tataasan ng presyo ng Eastern Petroleum sa halagang dagdag 70 sentimos kada litro.

Read more...