Nanindigan ang Malacañang na tanging temporary restraining order (TRO) lamang mula sa Court of Appeals ang makapagpapapigil para hindi tuluyang palayasin ng Bureau of Immigration ang Australian missionary na si Sister Patricia Fox.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, desidido na si Pangulong Rodrigo Duterte na paalisin si Sister Fox.
Ipinaliwanag ng opisyal na sinusunod lamang ng pangulo ang immigration operation order noon ni dating Justice Secretary Leila De Lima na nagbabawal sa mga dayuhan na lumahok sa anumang uri ng political rally.
Naghain na ng motion for reconsideration ang kampo ni Sister Fox para hindi matuloy ang pagpapalis sa madre hanggang sa katapusan ng buwan ng Mayo.
Ayon kay Atty. Sol Taule, hindi nila isinasantabi ang posibilidad na dumulog sa Court of Appeals at sa Supreme Court kung kinakailangan.