U.S nationals na bihag sa North Korea palalayain na

AP

Kinumpirma ng U.S government na pakakawalan na ang lahat ng mga bihag na amerikano sa North Korea.

Matagal na umanong nagdesisyon ang Pyongyang sa nasabing isyu bilang pagsunod sa naging rekomendasyon ni North Korean Foreign Minister Ri Yong Ho.

Noong nakalipas na buwan pa sana ng Marso naganap ang pagpapalaya sa mga bihag pero nagkaroon ng aberya ayon sa report na inilabas ng White House.

Kabilang sa mga bihag na tinutukoy sa ulat ay sina Kim Dong Chul, Kim Hak-song at Kim Sang Duk na ilang buwan na ring naka-detine sa North Korea.

Sa kanyang Tweet ay nagpahiwatig si U.S President Donald Trump na malapit nang maganap ang nasabing pagpapalaya sa mga bihag.

Ayon kay Trump, “As everybody is aware, the past Administration has long been asking for three hostages to be released from a North Korean Labor camp, but to no avail. Stay tuned!”

Hindi naman kinumpirma ng pamahalaan ng U.S kung may kaugnayan ang pagpapalaya sa mga bihag sa pressure ng western countries sa nuclear program ng North Korea.

Pero sa hiwalay na pahayag ay sinabi ng U.S Security Council na magandang gestures ang pagpapalaya sa mga Amerikanong bihag para pagbubukas ng North Korea ng kanilang pinto para sa pakikipag-ugnayan sa ibang bansa.

Idinagdag naman ni Trump na inaayos na ang pagpupulong nil ani North Korean Leader Kim Jong Un.

Read more...