Cayetano mananatili sa DFA ayon sa Malacañang

Walang nakikitang rason ang Malacañang para mag resign si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano.

Ito ay sa gitna na rin ng away ng Pilipinas at Kuwait matapos ang ginawang pagrescue ng mga tauhan ng embahada ng Pilipinas sa mga distressed Overseas filipino Workers (OFWs) sa Kuwait.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nasa pagpapasya na rin ni Cayetano ang pagpapasya kung pakikinggan o hindi ang panawagan ng ilang nagpapakilalang diplomatic career na magbitiw na sa puwesto ang kalihim.

Sa ngayon, sinabi ni Roque na buo pa rin ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Cayetano.

Kasabay nito, umaasa si Roque na babalik na sa normal ang magandang relasyon ng Pilipinas at Kuwait sa lalong madaling panahon.

Read more...