Tiniyak ni Senator Ping Lacson na ngayong taon ay magkakaroon ng bagong senate president.
Aniya sa kanyang pagkakaalam ay may kasunduan na sina Senate President Koko Pimentel III at Senate Majority Leader Tito Sotto.
Bababa sa kanyang puwesto si Pimentel dahil kakandidato siyang muli sa pagka-senador sa 2019 midterm elections.
Ngunit paglilinaw ni Lacson, pagkakasunduan pa ng mayorya kung si Sotto ang papalit kay Pimentel bilang pinuno ng senado.
Aniya ang pagpapalit ay maaring mangyari sa pagbubukas ng 18th Congress sa Hulyo o sa Oktubre, kung kailan magsusumite ng kanilang certificate of candidacy ang mga tatakbo sa pagka-senador.
Hindi rin nakumpirma ni Lacson ang umuugong na balita na si Senator Migs Zubiri naman ang papalit kay Sotto at si Pimentel ang magsisilbing Senate Presidente pro tempore na hawak ngayon ni Sen Ralph Recto.