Appointment paper ni Dela Rosa sa BuCor at Guerrero sa MARINA, inilabas na ng Malakanyang

Inilabas na ng Malakanyang ang appointment paper nina dating Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Bato Dela Rosa at dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Leonardo Guerrero sa kani-kanilang mga bagong posisyon sa gobyerno.

Si Dela Rosa ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Director General ng Bureau of Corrections sa ilalim ng Department of Justice (DOJ).

Habang si Guerrero naman ay uupo na bilang Administrator ng Maritime Industry Authority o MARINA na nasa ilalim namang ng Department of Transportation (DOTr).

Nilagdaan ang appointment papers ni Dela Rosa noong April 30 habang si Guerrero naman ay nalagdaan noong April 26.

Ang termino Guerrero sa MARINA ay matatapos sa July 11, 2022.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...