American scuba diver Nawala sa karagatang sakop ng Mabini, Batangas

Pinaghahanap ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang scuba diver na American national makaraang mawala ito sa karagatang sakop ng Mabini, Batangas.

Ayon sa coast guard, Miyerkules pa nang hapon Nawala ang diver na si Andrew Kildride.

Nag-dive umano si Kildride kasama ang isa pa sa bahagi ng Cathedral dive site at mula noon ay hindi na ito nakita.

Ayon sa mga local diver sa bayan ng Mabini, malalim at malakas ang current ng tubig sa lugar kung saan nag-dive ang dayuhan.

Tumutulong naman ang mga diver sa mga tauhan ng coast guard sa isinasagawang search and rescue operation.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...