Isa patay sa sunog sa Cebu

Patay ang isang 45 anyos na lalaki makaraang masunog ang tinitirahan niyang bahay sa Sitio Seawage, Barangay Pusok, Lapu-Lapu City.

Naganap ang insidente alas 12:07 ng madaling araw ng Huwebes sa bahay ng biktimang si Domingo Nayra.

Ayon kay SFO1 Hadjiludin Samonte ng Lapu-Lapu City Fire Department tinangka pa ng mga anak na sagipin si Nayra pero mabilis ang pagkalat ng apoy.

Nadamay din sa sunog ang kalapit na bahay.

Umabot lang sa ikalawang alarma ang sunog at inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...