Inter-agency trash traps, inilunsad para masolusyunan ang problema sa San Juan River

Kuha ni Mark Makalalad

Dahil sa nakaalarmang tambak na basura sa San Juan River, puspusan na ang ginagawang hakbang ng Pasig Rehabilitation Commission para masolusyunan ito.

Huwebes ng umaga, opisyal ng inilunsad ng PRRC ang inter-city trash traps na naglalayong maharang at makolekta ang mga basura sa San Juan River.

Pag amin ni PRRC Executive Director Jose Antonio Goita, mahirap na talagang malinis ang San Juan River dahil na rin sa malalang kalagayan nito.

Sa katunayan nga anya sa isang buwan na kanilang paglilinis noong Abril ay nakakuha sila ng 7,765 na sako ng basura dito.

May mga ulat din umanong naaapektuhan na ang operasyon ng ilang establisyemnto sa pagligid dahil na rin sa masangsang na amoy mula sa basura sa ilog.

Ang nasabing trash traps ay ilalagay sa iba’t ibang bahagi ng San Juan River na kinasasakupan ng Quezon City, San Juan, Mandaluyong at Manila.

At inaasahan na sa pamamagitan nito ay mahaharang ang mga basura na bumabara sa ilog.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...