Magkapatid na miyembro ng drug ring sa Cebu City patay sa engkwentro sa pulisya

CDN Photo

Patay ang magkapatid na hinihinalang lider ng sindikato ng droga sa Cebu City.

Kinilala ang mga suspek na sina Joseph at Romeo Oralde. Ayon kay Supt. Glenn Mayam, hepe ng Central Visayas Drug Enforcement Group, pinamumunuan ng dalawa ang Oralde Drug Group sa Central Visayas.

Nakumpiska sa inuupahang bahay ng magkapatid ang P5 milyon halaga ng hinihinalang shabu.

Ayon kay Mayam, nanlaban ang dalawang Oralde sa buy-bust operation na isinagawa ng pulisya sa Barangay Duljo Fatima.

Sugatan naman ang kaibigan at umano’y runner ng dalawa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...