Dahil sa nasabing bilang, nag-abiso ang MMDA sa mga motorista na humanap ng mga alternatibong ruta dahil isasara ang ilang bahagi ng Roxas Boulevard simula hating-gabi ng May 5.
Ayon kay MMDA Deputy Chairman Frisco San Juan Jr., parehong isasara ang kahabaan ng northbound at southbound portions ng Roxas Boulevard mula Buendia hanggang Padre Burgos upang bigyang daan ang pagtitipon.
Inaasahang magtitipon ang mga dadalo sa event sa Cultural Center of the Philippines (CPP) at maglalakad patungong Quirino Grandstand.
Nakatakdang ikalat ng MMDA ang 200 personnel na kinabibilangan ng traffic enforcers, road emergency grourp at roadside clearing group upang tiyakin ang peace and order at kalinisan sa mga lugar na apektado ng nasabing pagtitipon.