Villa: Isang karangalan ang mapagsilbihan ang mga Pinoy sa Kuwait

DFA Photo

“I am really glad to be back.”

Ito ang bahagi ng pahayag ni Philippine Ambasaddor to Kuwait Renato Villa nang makabalik sa Pilipinas makaraang bigyan lamang ng Kuwait ng isang linggo upang lisanin ang kanilang bansa.

Sa panayam ng media sa NAIA Terminal 1, sinabi ni Villa na masaya siyang makabalik ng bansa.

Anya pa, isang karangalan umano ang mabigyan siya ng pagkakataong mapagsilbihan ang kapwa mga Filipino sa Kuwait sa loob ng halos tatlong taon.

“I am really glad to be back in the Philippines. Filled with pride and honor for having been given the opportunity to serve our country and most especially our kababayans in Kuwait for almost 3 years,” ani Villa.

Matapos ang mga isyu ay umaasa si Villa na makakasulong ang Pilipinas at Kuwait at magtutulungang maisakatuparan ang pambansang interes lalo na ang pagsiguro sa kapakanan ng Overseas Filipino Workers (OFWs).

“I sincerely hope that we can all move forward and work together with Kuwait in securing and providing our distinct core national interest: the well-being of overseas Filipinos. Thank you.” dagdag pa niya.

Kasalukuyang nahaharap sa diplomatic row ang Pilipinas at Kuwait kasunod ng ginawang pagrescue ng embassy staff sa ilang mga Pinoy workers kung saan ang video ay iniupload at nag-viral sa social media.

Samantala, bukas naman anya siya sa imbestigasyon tungkol sa kontrobersyal na insidente na nagdulot ng hindi pagkakaunawaan ng Pilipinas at Kuwait.

Read more...