Total gun ban, isinusulong para sa darating na halalan

 

Inquirer file photo

Isinusulong na ng ilang grupo ang total gun ban sa darating na 2016 elections.

Para kasi sa Gunless Society, Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) at sa Physicians for Peace, walang saysay ang gun ban na ipinatutupad tuwing halalan kung mayroon pa ring mga exempted sa nasabing polisiya.

Dahil dito, sumulat ang tatlong nasabing grupo sa Commission on Elections na baguhin na ang patakaran nitong pagbibigay ng exemption sa ilang sibilyan at mga kandidato.

Anila, ang dapat lamang na may hawak ng armas sa kasagsagan ng panahon ng eleksyon ay ang mga miyembro ng pulis, militar at iba pang law enforcement agencies ng gobyerno.

Dapat anilang mayroong authorization ang mga pulis at militar na naka-duty sa eleksyon mula sa Comelec na nagbibigay permiso upang makapagbitbit ng mga armas habang naka-uniporme sa kasagsagan ng panahon ng halalan.

Umaasa silang maaprubahan na ang bagong patakaran na kanilang iminungkahi para sa mga nagdadalawang isip maghain ng kanilang certificate of candidacy.

Ang nasabing liham ay pirmado nina Gunless Society president Nandy Pacheco, PPCRV chair Henrietta de Villa at Physicians for Peace chair Dr. Teodoro Herbosa.

Dagdag pa nila, nagdudulot rin ng takot sa mga botante ang mga armadong bodyguards ng mga VIPs at ilang kandidatong nag-iikot tuwing nangangampanya at anila, ang mga kandidatong takot mamatay ay hindi karapatdapat magsilbi sa bayan.

Ang exemptions sa gun ban anila ay dapat para lamang sa mga naka-unipormeng tauhang nagbabantay sa Pangulo, Pangalawang Pangulo, Senate President, House Speaker at Chief Justice.

Umaasa rin silang paburan ni hilippine National Police Director General Ricardo C. Marquez ang kanilang apela.

Read more...