Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamamahagi ng 639 ektaryang lupa sa 387 Agrarian Rbeneficiaries sa Quezon province.
Ayon sa pangulo ito ay para mapalakas pa ang sektor ng agrikultura sa bansa.
Inatasan din ng pangulo si Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary John Castriciones na pag-aralan na i-land reform ang mga nakatiwangwang na lupa ng gobyerno para maipanahagi sa mga magsasaka.
Pero ayon sa pangulo kinakailangan pa rin niya ng tulong mula sa Kongreso para maisailalim sa land reform ang mga lupa na pag-aari ng gobyerno.
Pinayuhan pa ng pangulo ang mga magsasaka sa Quezon na tingnan at pag-aralan ang Mindanao para gawing modelo sa agricultural development.
“Bitawan na natin lahat ngayon. Wala namang silbi ‘yan. So it is not productive. It’s not being used for anything,” ayon pa sa pangulo.