Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon na kailangang ipaalam sa kanila ng publiko na sa kanilang lugar ay may gulo na may kaugnayan sa nalalapit na barangay at Sanggunian Kabataang (SK) elections para ma-reshuffle ang mga police chiefs.
Kaugnay naman sa mga opisyal ng barangay umano’y sangkot sa droga o iyong nasa narco-list na inilabas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sinabi ni Guanzon na hindi ito ang magiging batayan para madiskwalipika ang kandidato.
Sa ngayon aniya ay handa na ang COMELEC sa halalan sa May 14 kabilang ang mga election paraphernalia na gagamitin gayundin ang nakalaang allowance ng mga magtatrabahong guro. Pero bilang paalala ay iginiit ni Guanzon ang pagbabawal sa pagbili at pag-inom ng alak.