Sa unanimous vote, pinayagan ng concom en banc ang pagsingit sa Preamble ng mga katagang “permanent and idissoluble nation,” “united and progressive society under a federal government,” at “shared ideals and aspirations.”
Paliwanag ng chairman ng concom na si dating Chief Justice Reynato Puno, panukala sa magiging bagong Konstitusyon ang pederalismo na permanente at eternal.
Hindi lang anya ito paglalahad ng mga salita kundi pangako ng mga mamamayan at ng mga rehiyon na maging bahagi sila ng bagong federal republic.
Ang nagawa ng komite ay isusumite sa pangulo bago ang kanyang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo.
Ang panukala ng concom na mga isiningit na salita sa Preamble ng Konstusyon ay pwedeng aprubahan o hindi ng Kongreso.