Duterte, kumpyansa pa rin kay Cayetano – Malacañang

Maiksi ang tugon ngunit nakatitiyak ang Palasyo ng Malacañang na buo pa rin ang kumpyansa ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Alan Peter Cayetano.

Ito ay matapos ang kontrobersiyang kinasasangkutan ng kalihim at ng kanyang mga opisyal matapos ang pagrescue na ginawa sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Kuwait.

Nang tanungin si Presidential Spokesperson Harry Roque kung suportado pa rin ng president si Cayetano ay tumugon ito ng ‘yes’.

Gayunman, ipinauubaya na ni Roque kay Cayetano ang umano’y panawagan ng career officers ng kagawaran na magbitiw ito sa pwesto at ang kanyang appointees.

Sinasabing ilan sa mga career officers ang hinihimok si Cayetano na magbitiw na sa pwesto ngunit ang naturang ulat ay tinawag naman ng DFA na malisyoso.

Read more...