Babae patay sa pamamaril sa Quezon City

Namatay habang nilalapatan ng lunas ang isang babae matapos itong pagbabarilin sa Freedom Park, na sakop ng Barangay Batasan Hills, Quezon City.

Kinilala ang biktimang si Rosanna Crisostomo alyas Osang, 40 taong gulang at isang labandera.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, sakay ng isang puting L300 van na walang plaka ang salarin sa pamamaril.

Matapos ang insidente ay agad na tumakas ang salarin, habang isinugod naman ng anak ng biktima na si Renuel Miranda ang kanyang ina sa ospital.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang tatlong basyo at isang bala ng kalibre 45 baril.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa krimen, partikular ang motibo sa pamamaslang, maging ang pagkakakilanlan ng suspek.

Read more...