Mahigit 10,000 mga critically endangered radiated tortoise ang nasagip ng Turtle Survival Alliance mula sa mga iligal na mangangalakal sa Madagascar.
Ayon sa nasabung grupo, natagpuan ang mga pawikan sa isang bahay sa Toliara na posibleng nakuha mula sa illegal pet trade sa Asya.
Walang tubig at pagkain ang mga pawikan nang matagpuan ng mga otoridad.
Ayon kay US-based Wildlife Conservation Society veterinarian Susie Bartlett, karamihan sa mga nasagip na pawikan ay nasa maayos namang kundisyon. Ngunit ilan sa mga ito ay mayroong infection sa mata at bibig.
Batay sa “red list” na inilabas ng International Union for Conservation of Nature tungkol sa mga endangered at threatened species, maraming mga Asyanong smuggler ang nangunguha ng mga pawikan mula sa kanilang natural habitat at dinadala ito sa Madagascar.