Alab Pilipinas wagi sa 2018 ABL Finals

Inuwi ng Alab Pilipinas ang kampeonato sa 2018 ASEAN Basketball League Finals.

Ito ay matapos nilang talunin ang pambato ng Thailand na Mono Vampire sa kanilang Game 5, sa iskor na 102-92.

Ginanap ang huling tapatan ng dalawang koponan sa home court ng Alab dito sa Pilipinas sa Sta. Rosa Multipurpose Complex.

Ikatlong koponan na ng Pilipinas ang Alab na nanalo sa ABL. Una dito ang Philippine Patriots na nagwagi noong 2010, at sinundan naman ng San Miguel Beermen na nagkampeon noong 2013.

Itinanghal namang ABL Local MVP si Bobby Ray Parks na nakapagbigay ng 13 puntos para sa koponan.

Ngunit si Renaldo Balkman ang nakapagtala ng pinakamaraming puntos sa pamamagitan ng kanyang 32 baskets, 9 rebounds, at 6 assists.

Sinundan pa ito ni Justin Brownlee na nakapagbigay naman ng 24 na puntos.

Samantala, para sa Mono Vampire, si Mike Singletary ang nanguna sa kanyang 32 points.

Read more...