May 14 idineklarang non-working holiday ni Duterte

Kanselado ang pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan at mga paaralan sa buong bansa sa darating na May 14.

Kaninang hapon ay inilabas ng pangulo ang Proclamation 479 na nagdedekla ng special non-working day sa nasabing petsa.

Layunin nito na mabigyan ang mga botante na pagkakataon na bumoto para sa Barangay at Sangguniang Kabataas elections.

Nauna dito ay hiniling ng isang grupo sa pangulo na ideklarang pista opisyal ang May 14 para makauwi sa mga lalawigan ang ilang mga botante.

Read more...