3 patay makaraang madaganan ng isang trak sa Taguig City

Tatlong pasahero ng isang tricycle ang nasawi matapos na madaganan ng isang dumptruck sa Taguig City pasado ala-una ng hapon.

Kinilala ng Taguig Disaster Reduction and Management Office ang mga nasawi na sina Corita Licop, 31-anyos, anak nito na si Miguel apat na taong gulang at isa pang pasahero na si Ana Sarmiento.

Dinala naman ang driver ng tricyle at mister ng nasawing ginang na si Ruel Licop sa Taguig-Pateros District Hospital.

Sa inisyal na impormasyon, ihahatid sana ng tricycle ang mag-ina sa eskwelahan nang makasalubong nito ang dump truck sa kahabaang ng MRT avenue sakop ng Barangay Hagonoy.

Nag-alangan ang dump truck dahilan para tumagilid ito at madaganan ang tricycle.

Natanggal na sa lugar ang trak at ngayon ay nadadadaanan na ng mga motorista ang pinangyarihan ng insidente.

Buwan pa ng Oktubre ginagawa ang nasabing bahagi ng kalsada kaugnay sa proyekto ng Manila Waters.

Read more...