Magsasagawa ang National Food Authority o NFA ng rebidding para sa government-to-government importation ng 250,000 metric tons ng bigas.
Ang rebidding ay gagawin sa May 4, araw ng Biyernes, kung saan makakasali muli ang Vietnam at Thailand o mga bansang tanging may kasunduan sa pilipinas para sa G-to-G importation ng bigas.
Noong nakaraang linggo, una nang idinaos ang bidding para sa 250,000 metric tons ng bigas pero walang napili ang NFA sa Vietnam o Thailand para mag-supply nito.
Parehong naging mataas ang presyo ng dalawang bansa kumpara sa reference price ng NFA.
Para sa rebidding, iko-compute muli ng NFA ang reference price nito depende sa umiiral na presyo sa world market, isang araw bago ang subasta at depende rin sa palitan ng piso at dolyar.
Ang 250,000 metric tons na aangkatin sa pamamagitan ng G-to-G importation ay gagamitin sa pagpuno ng buffer stock ng NFA at ikakalat sa pamilihan para ibalik ang murang halaga nito sa merkado.