Problemado si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa panibagong insidente ng pagdukot ng Abu Sayyaf group sa apat na sibilyan kabilang na ang dalawang babaeng pulis sa Patikul Sulu noong Abril 29.
Sa talumpati ng pangulo sa Armed Forces of the Philippines Central Command Headquarters sa Camp Lapu Lapu Cebu kahapon, sinabi nito na pinag aaralan na niyang kausapin si Moro National Liberation Front founding chairman Nur Misuari para tumulong sa naturang problema.
Kabilang sa mga dinukot ng bandidong grupo sina PO2 Benierose Alvarez at PO1 Dinah Gumahad.
Dinukot ang dalawang pulis at dalawang sibilyan ng labing isang miyembro ng ASG na pinamumunuan ni Abu Sayyaf member Mujir Yada.
Samantala, nangako naman ang pangulo na bibigyan na ng sidearm ang mga sundalo.
Ayon sa pangulo, maaring sa buwan ng Hulyo, mabibigyan na niya ang lahat ng mga sundalo ng sidearm.