Gordon: Pilipinas at Kuwait may respeto pa rin sa isa’t isa

Inquirer photo

Ikinatuwa ni Senator Dick Gordon ang pahayag ng gobyerno ng Kuwait na hindi dapat hayaan na masira ang relasyon ng dalawang bansa tulad ng naunang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Gordon na kailangan na may respeto sa isa’t isa ang dalawang gobyerno para maplantsa na ang gusot na nilikha ng sinasabing illegal rescue missions sa mga Overseas Filipino Workers sa Kuwait.

Dagdag pa nito na may pakinabang sa isa’t isa ang dalawang gobyerno lalo na sa usapin ng ekonomiya kaya’t nararapat na matuloy ang itinutulak na memorandum of agreement para sa proteksyon ng mga Filipino sa Gulf state.

Una nang tiniyak ni Kuwaiti Deputy Foreign Minister Khaled al-Jarallah ang kaligtasan at pagkilala nila ng lahat ng mga banyaga sa kanilang bansa base sa mga umiiral nilang batas.

Read more...