Mahigit 200,000 pasahero naserbisyuhan kahapon ng MRT-3

Umabot sa mahigit 200,000 pasahero ang naserbisyuhan sa maghapong biyahe ng Metro Rail Transit 3 kahapon, Labor Day.

Batay sa daily operations report ng MRT-3, 208,900 na mga pasahero ang sumakay sa tren kahapon.

Walang naitalang aberya sa biyahe ng tren o insidente ng pagpapababa sa mga pasahero at umabot sa 12 ang average na bilang ng tren na bumiyahe.

Magugunitang nag-alok ng libreng sakay ang MRT-3 kahapon para sa mga manggagawa bilang paggunita sa Labor Day.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...