Ilang lalawigan sa Mindanao maagang nakaranas ng pag-ulan dahil sa ITCZ

Maagang nakaranas ng malakas na pag-ulan dulot ng thunderstorms ang ilang lalawigan sa Mindanao.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA, alas 5:15 ng umaga, nakaranas ng heavy rains na mayroong pagkulog at pagkidlat at malakas na hangin ang mga bayan ng Governor Generoso at Mati sa Davao Oriental; mga bayan ng Malita at Don Marcelino sa Davao Occidental; at ang mga bayan ng Genaral SantosCity, Malungon, Malapatan, Glan, at Kiamba sa Sarangani.

Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente sa nabanggit na mga lugar na maging handa sa posibleng pagkakaroon ng flashfloods at landslides dahil sa malakas na pag-ulan na nararanasan.

Ayon sa PAGASA, apektado ng intertropical convergence zone ang Mindanao kaya ngayong maghapon ay maaring makaranas ng pag-ulan ang mga rehiyon ng Caraga at Davao at mga lalawigan ng Sarangani, South Cotabato, at Sultan Kudarat.

Samantala, bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman ang iiral sa nalalabing bahagi ng bansa na maaring makaranas lamang ng isolated na mga pag-ulan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...