9 na barangay sa Quezon City, 12-oras na mawawalan ng suplay ng tubig

Dose oras na mawawalan ng suplay ng tubig ang bahagi ng ilang mga barangay sa Quezon City.

Ayon sa abiso ng Maynilad, mayroon silang service improvement na magreresulta ng water interruption sa mga sumusunod na barangay sa lungsod:

– Talipapa
– Bagbag
– Sauyo
– San Bartolome
– Nagkaisang-Nayon
– Gulod
– Sta. Lucia
– Greater Fairview
– Ugong

Alas 8:00 ng gabi mamaya magsisimula ang water interruption na tatagal hanggang alas 8:00 ng umaga bukas.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...