Pahayag ito ng Palasyo kasunod ng lumabas sa Social Weather Stations (SWS) survey na dumami ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho sa unang bahagi ng 2018.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nananatili silang positibo na ang implementasyon ng Build, Build, Build infrastracture plan ay magreresulta ng mas maraming trabaho.
Puna ni Roque, ginawa ang survey sa first quarter ng taon kung kailan katatapos lang ng maraming estudyante sa huling semestre sa kolehiyo at inaasahan na maghahanap pa lang sila ng mga trabaho.
Tuwing Disyembre aniya ang panahon kung kailan maraming seasonal jobs na pwedeng pasukan ang mga Pinoy dahil sa panahon ng Kapaskuhan.